Chapter 16
Chapter 16
PABILING-BILING sa higaan si Maggy. Hindi maalis sa isipan niya ang narinig na pag-uusap ng mga
magulang. Sinadya daw sunugin ang kanilang bahay. Hindi nga lang niya napakinggan ang kabuuan
ng pag-uusap ng mga ito dahil hinila na siya kanina palayo nina Yalena at Clarice nang mahuli siya ng
dalawa na nanunubok sa hardin ng tahanan ng mga Alvero kung saan sila tumutuloy pansamantala
matapos ang nangyaring sunog.
Maingat na bumangon si Maggy para hindi tuluyang magising si Yalena na katabi niya sa kama. Kahit
sa pagtulog ng kakambal ay nakakunot pa rin ang noo nito palatandaang nag-aalala rin ito sa mga
nangyayari sa kanilang pamilya.
Pipihitin niya na sana ang doorknob nang kusang bumukas iyon. Bumungad ang kanyang ama.
Sandali pa silang nagkagulatan bago ito ngumiti sa kanya. Sinilip nito ang tulog pa ring si Yalena bago
siya sinenyasang lumabas ng kwarto. Nagpunta sila sa sala. Nang makaupo na sa naroong sofa ay
saka lang niya napagtuunan ng pansin ang hawak nitong photo album. Pamilyar iyon sa kanya, iyon
ang compilation ng mga litrato nila ng kakambal mula noong sanggol pa lang sila. “Why do you have
that, Daddy?”
Natawa si Vicente. Tumabi ito ng upo sa kanya at inakbayan siya. “Your mother hated me because of
this. Dahil nang mailigtas na namin ang ilang importanteng gamit sa bahay kanina ay binalikan ko pa
ang mga photo albums natin sa loob sa kasagsagan ng sunog.”
“What?” Maggy gasped in horror. “Hindi mo na dapat ginawa ‘yon, Daddy! You could have died!”
“I know.” Bahagyang ginulo ni Vicente ang buhok ng anak. “But those albums are our family’s
treasures. Nasa mga litrato sa loob ng mga iyon ang mga importanteng pangyayari sa buhay ng
pamilya natin. Para na rin silang mga diaries natin. Naroon ang kasal namin ng mama mo, ang
paglabas n’yo sa mundo ng kakambal mo. Naroon din ang una n’yong pagngiti, pagtawa sa harap ng
camera, ang una n’yong paghakbang at iba pa. The milestones in your life are all in those albums.”
Gulat na napatitig na lang si Maggy sa kanyang ama, hindi sigurado kung ano ang unang dapat
sabihin. A part of her was moved by his words but a bigger part of her was still aghast. Kamuntik nang
mamatay ang ama para lang doon.
“Kung hinayaan kong masunog na lang basta ang mga litrato, alaala na lang ang matitira sa atin, anak.
And even memories fade. Besides, I want you and your sister to have them. I want you to remember
our happy and solid moments together.” Magiliw na ngumiti sa kanya ang ama. “Kung sakali mang may
mangyari, gusto kong balikan ninyo ni Yalena ang mga litrato natin para matandaan n’yo kung gaano
natin kamahal ang isa’t isa.
“Your smile in every pictures, sweetheart, I don’t want you to lose that, all right?” Ikinulong ng ama niya
sa malalaking palad nito ang kanyang mukha. “Live your live, that’s one of your mother’s wishes for
you and Yalena. Maging matagumpay kayo. Be happy and stay as you are. Palagi n’yong tatandaan
ang mga bilin namin ng Mommy n’yo. Hold onto God and keep your hope and faith intact. Kung
sakaling nakaalis na kami bukas ng Mommy mo sa paggising ng kapatid mo, iparating mo na lang sa
kanya ang mga sinabi ko.”
Umahon ang kaba sa puso ni Maggy. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga sinabi ng ama.
“No, you go and tell that yourself to Yalena when you come back tomorrow, Daddy. Saka bakit ka ba
ganyan magsalita?” Naalarma siya. Bumalik sa isip niya ang narinig sa mga magulang ilang oras na
ang nakararaan. “Dahil ba ito kay Tito Benedict?”
Tito na ang nakaugalian nila nina Yalena at Clarice na itawag kay Benedict dahil business partner ito
ng kanilang mga ama na minsan na ring naging malapit sa kani-kanilang pamilya.
“Sabihin n’yo naman sa akin ang totoo, Dad,” nakikiusap na sinabi ni Maggy nang matigilan ang ama.
“There’s no sense denying it now. Narinig ko kayo ni Mommy sa garden kaninang nag-uusap bago tayo
maghapunan. The truth, Daddy, you owe that to me and Yana.”
“May nakapagsabi sa amin na tauhan daw ni Benedict ang nagpasimula ng sunog. May kaalyado natin
na siyang nakakita sa tauhan niya na umaaligid sa bahay kaninang bago nangyari ang sunog. Hindi rin
ako makapaniwala noong una na aabot sa ganito ang lahat.” Napailing si Vicente. “Benedict seemed to
be fighting so hard for something that I couldn’t understand. Nakikita kong wala talaga sa puso niya
ang politika pero pinasok niya pa rin iyon. And honestly, I never thought he would go this far. I’ve
considered him as my friend.” Lumarawan ang matinding panghihinayang sa mukha ng ama. “Pinipilit
ko siyang unawain pero sobra na ang madamay pa kayo ng Mommy mo. Kaya bukas, kasama ng
Mommy mo at ng Tito Roman mo ay pupunta kami sa presinto at magsasampa ng kaso laban sa
kanya.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Maggy. Ilang beses niya nang nakita si Benedict. Wala sa anyo nito na
makagagawa ng ganoon karahas na bagay. The old man had the kindest blue eyes that she had ever
seen. Halo-halo ang mga nararamdaman niya. Isa na roon ang matinding pagkadismaya. Naalala niya
ang sinabi ni Benedict noong nakaraang taon nang pumunta ito sa twelfth birthday nila ng kakambal.
“You and your twin sister look gorgeous today, Maggy. Hindi na mahirap hulaang isang araw ay marami
kayong paiiyaking lalaki.” Ngumiti si Benedict at iniabot sa kanya ang hawak nitong regalo. “Under
normal circumstances, I would have paired you both with my sons.” Suddenly, Benedict’s eyes were
filled with emotions Maggy couldn’t quite comprehend. “Mabubuting bata rin ang mga iyon palibhasa ay
napalaki nang maayos ni Alexandra. Their names started with A, sa kagustuhan na rin ni Alexandra.”
Bahagyang natawa ito. “They are Ansel, Alano, and my youngest, Austin.”
Nasorpresa si Maggy. Ayon sa kanyang ama ay bihira magkuwento si Benedict ng kahit na ano tungkol
sa pamilya nito. Hindi na nagawa pang magkomento ni Maggy dahil naagaw na ang kanyang atensiyon
ng mga bagong dating na kaklase nila ni Yalena na inimbitahan nila sa kanilang party at mga
kumakaway na sa kanya nang mga sandaling iyon.
Nang araw na iyon ay natatandaan ni Maggy na binigyan siya ni Benedict ng manika. Morena rin iyon
at alon-alon ang buhok tulad niya habang mestisahin at tuwid na tuwid naman ang buhok ng manikang
ibinigay nito kay Yalena. Pero pareho rin nilang sinunog ang mga manikang iyon nang namatay ang
kanilang mga magulang…
“I REPEAT. Do you, Maggy de Lara, take Austin McClennan as your lawful husband, to have and to
hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health until
death do you part?”
Parang biglang nagising mula sa isang mahabang panaginip si Maggy nang marinig ang boses na iyon
ng pari. Disoriented na iginala niya ang tingin sa kinaroroonan.
“Maggy?” bakas ang pag-aalalang sinabi ng katabing si Austin. Nilingon niya ito. Ngayon na siya
nakasisiguro na kilala niya nga ang binata. Pero paano?
Tuksong bumalik sa alaala ni Maggy ang bigla na lang lumitaw na eksena sa kanyang isip kani-kanina
lang. Bakit pakiramdam niya ay noon niya pa kilala ang binata kabaliktaran sa sinabi nito sa kanya na
noong taon lang na iyon sila nagkakilala? Nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo na
naranasan niya lang mula nang makita at makilala ang mga magulang ni Austin bago sinimulan ang
kanilang kasal.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maging sila ni Austin ay sa mismong araw pa ng kasal
niya lang nakita ang mga magulang nito na ang buong akala niya pa ay hindi makakapunta dahil ayon
kay Austin ay may emergency na kinailangang asikasuhin ang dalawa sa Boston. Kaya hindi
maikakaila ang pagkabigla na gumuhit sa mukha ng binata nang makita nito ang mga magulang na
sumalubong sa kanila nang pababa sila sa hagdan ng mansiyon ng mga McClennan. Sa malawak na
hardin niyon idinaos ang kanilang kasal.
“Austin, hindi mo man lang ba kami ipakikilala ng Papa mo sa babaeng pakakasalan mo?” anang
ginang.
Para bang natetensiyon na humapit ang isang braso ni Austin sa kanyang baywang. “I… I never
thought that you’d both be here.”
“This is your wedding, why wouldn’t we?” balik-tanong ng ginang na para bang puno ng hinanakit na
nakatitig sa anak nito.
“Well… thank you for coming. This is my lovely bride, Maggy, as you know by now.” Nilingon siya ni
Austin. “Sweetheart, they are my…” Tumikhim ito. “P-parents. Alexandra and Benedict.” Pagkatapos ay
nagmamadali na siyang inilayo ng binata. “I will talk to you later, `Ma. Magsisimula na ang kasal.”
Mabilis na iginiya na siya ni Austin papunta sa hardin.
Ilang sandali pa ay sinimulan na ang enggrandeng kasal. Pero bigla ay hindi na makuha ni Maggy na
ma-appreciate ang ganda ng paligid at ang mga kaakit-akit na dekorasyon doon dahil paulit-ulit na
bumabalik sa kanyang isip ang nakitang mukha ng ama ni Austin. May kung ano siyang naramdaman
sa puso niya nang makita ang matandang lalaki.
Kay raming tanong na bigla na lang namuo sa kanyang isipan tungkol sa lalaking pakakasalan. Ang
akala niya ay nagkakilala na sila noon ng mga magulang ni Austin pero bakit ganoon ang reaction ng
ina nito?
Nang maramdaman ni Maggy ang pagpisil ni Austin sa kanyang palad ay bumuntong-hininga siya. Pilit
na inalis niya sa isip ang mga alalahanin. Sa kabila ng libong bagay na gumugulo sa kanyang isipan ay
may isang bagay siyang nasisiguro… mahal niya ang binata. And he had a lifetime to answer all her
questions right after their wedding and she had a lifetime as well to understand and to absorb
everything.
Sinikap ni Maggy na ngumiti sa pari. “I… I do, father.”
Hindi nakaligtas sa kanya ang relieved na paghinga ni Austin. Sa sumunod na mga sandali ay
hinayaan na lang niya ang sariling magpatangay sa agos hanggang sa wakas ay ideklara na ng pari
ang pagiging mag-asawa nila. Nagtuloy silang lahat sa loob ng mansiyon kung saan idinaraos ang
reception. Sandaling nagpaalam sa kanya ang asawa na kakausapin lang daw ang kapatid nito.
Pumayag naman siya. Kumunot ang noo ni Maggy nang makita ito at si Alano na para bang nagtatalo
ilang metro ang layo sa kanya. Ilang sandali pa ay lumapit din sa dalawa ang madilim ang anyong si
Ansel.
“Their names started with A, sa kagustuhan na rin ni Alexandra. They are Ansel, Alano, and my
youngest, Austin.” Kumabog ang dibdib ni Maggy. Nagsimula siyang pagpawisan sa kabila ng lamig na
dulot ng aircon sa paligid.
Ang akala ni Maggy ay naaksidente ang kanyang mga magulang? Pero kung ang pagbabasehan ay
ang mga eksenang pumasok sa kanyang isip ay kabaliktaran doon ang nangyari. Lumalabas na
kagagawan ng iisang tao ang pagkamatay ng mga iyon. Kagagawan ni Benedict na bukod sa Original from NôvelDrama.Org.
kaparehas ng pangalan ng ama ni Austin ay kamukha pa ng lalaki na kanyang nakita sa isipan. At ang
mga pangalan na binanggit ng Benedict na iyon ay ang mismong mga pangalan ng magkakapatid na
McClennan.
Maggy stared at the crowd, helpless. Hindi niya na malaman kung ano ang tamang iisipin o gagawin.
Ang alam lang niya ay kailangan niyang makausap ang kakambal pero hindi niya alam kung paano.
Nang tawagan niya si Yalena gamit ang contact number na ibinigay sa kanya ni Austin ay wala
namang sumasagot doon. Nagpadala na rin daw sa kapatid ng imbitasyon si Austin para sa kanilang
kasal pero wala pa ring anumang sagot mula rito.
Ganoon ba kaabala si Yalena para hindi man lang mapuntahan ang mismong kasal niya?
Nilingon uli ni Maggy ang asawa na kasalukuyan pa ring parang nakikipagmatigasan sa mga kapatid
nito. What is happening?
Naipilig niya ang ulo. Bakit ganoon? Pakiramdam niya bigla ay napakaraming bagay na inililihim sa
kanya si Austin? Hindi kaya pareho silang masyadong nagmadali? Kulang isang buwan matapos ang
proposal nito ay hayun at ikinasal na sila. Naging mabilis ang mga pangyayari at hindi niya iyon
kinukwestiyon noon. But right now, Austin just gave her so many things to be unsure about.
Tumitindi ang pananakit ng ulo na napatitig na lang si Maggy sa mga nagkakasiyahang bisita. Tapos
na ang pagsasayaw nila ni Austin pati na ang ilang programa na inihanda para sa kanila kaya
kasalukuyang nagkakainan na lang ang lahat pero hayun siya at parang pusang hindi mapaanak.
Mayamaya ay natanaw niya ang paparating na ina ni Austin. Katulad kanina ay tulak-tulak nito ang
wheelchair ni Benedict.
Mabilis na napatayo si Maggy. Habang papalapit nang papalapit sa kanya ang dating mag-asawa ay
pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Nanginig din ang kanyang mga kalamnan. Parang may
kung anong bumabayo sa kanyang ulo.
Ansel, Alano, Austin… Benedict McClennan…
Napatitig si Maggy sa mukha ng matandang lalaki na para bang nakatitig lang sa kawalan. Maputla
ang mukha nito. He was thin and he looked ill. And she could tell in her heart that she knew him. Ang
mga mata nito, mga kilay, ilong at bibig… Lahat ng iyon ay pamilyar.
“Yalena, you have to eat.” Naipikit ni Maggy nang mariin ang mga mata sa pagragasa ng panibagong
bugso ng alaalang lumitaw sa kanyang isipan.
Nakikiusap na nilapitan niya ang humahagulgol na kapatid. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa
bedside table. “Kumain ka kahit kaunti, please.”
“I hate him so much, Maggy. How can he just kill people like that? Ano ang akala niya sa mga
magulang natin? Mga hayop na gano’n na lang kung alisan ng buhay?” Naitakip ni Maggy ang mga
kamay sa kanyang mga tainga sa pag-iyak na iyon na bigla na lang niyang narinig. “Someday, I will get
back to him! I will send him back to hell and I will never stop until I ruin Benedict McClennan!”
“Child, can we please talk even for a moment? I heard about your amnesia.”
Napakislot si Maggy sa narinig na boses ni Alexandra. Dahan-dahan siyang dumilat. Bumungad sa
kanya ang mukha ng ginang. Mayroong alanganing ngiti sa mga labi nito. Bumaba ang mga mata niya
sa dating asawa nito. Kay Benedict.
Oh, God!
Natulala si Maggy sa biglang pagdaloy ng mga alaala sa kanyang isipan. Lahat ay sabay-sabay na
nanumbalik… Naroroon ang kanyang masaya at buong pamilya na agad na naglaho sa pagkamatay
ng mga magulang, ang sakit at pait, ang kanyang ipinagbabawal na pagmamahal para kay Austin, ang
mga nangyari bago siya umalis ng condominium building, ang tangkang pagpatay sa kanya ng dating
live-in partner ni Radha na si Lester at ang… panloloko sa kanya ni Austin nang magkaroon siya ng
amnesia.
Nag-init ang mga mata ni Maggy kasabay ng pagsisikip ng kanyang dibdib. Lumipat ang kanyang mga
mata sa suot na wedding gown. God, she just married her enemy’s son… What on Earth had she
done?
Nanginginig ang mga tuhod na nilagpasan lang niya si Alexandra kahit pa umaatake ang poot sa
kanyang dibdib. Poot para sa mga naging desisyon niya, poot para kay Benedict, poot para sa ginawa
ni Austin, at poot para sa kanilang kasal na kung hindi lang sa ama ni Austin ay ikatutuwa sana ng
puso niya. Damn it!
Papunta sana si Maggy sa comfort room nang may bigla na lang pumigil sa braso niya. Nabigla siya.
Sa pagharap ay nakita niya si Yalena. Kahit nakasuot ito ng dark glasses at blonde wig na umaabot
lang hanggang batok ay nakilala pa rin ito ng puso niya. They have this certain connection that no one
could replace. Sa paghawak pa lang nito sa kanya ay nakilala niya na ang kapatid. Hinila siya nito
papasok sa banyo at ini-lock ang pinto niyon matapos masigurong walang ibang tao sa loob.
“What the hell is this amnesia thing that I’ve been hearing around here?” kunot-noong simula ni Yalena.
“Ilang buwan na kitang paulit-ulit na kino-contact. I was worried that’s why I came here. Clarice isn’t
answering any of my calls either. Si Radha lang ang nakakausap ko na hindi rin daw makalapit man
lang sa `yo. Halos tatlong linggo na akong nakakabalik sa Pilipinas pero hindi ako makalapit sa higpit
ng security. I had to wear this freaking attire and date an asshole who was invited to this wedding in
exchange of being here tonight. Ano ba kasi ang nangyayari?”
Tumulo ang mga luha ni Maggy. “We need to change our plans, Yalena.”