The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 14



Chapter 14

NAGISING si Maggy na aandap-andap ang paghinga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Parang

nagwawala ang kanyang puso sa bilis ng tibok niyon. Napasulyap siya sa digital clock sa bedside

table. Alas-dos pa lang ng madaling-araw. It was another dream. But God… it felt real. Ilang araw na

siyang nakakapanaginip ng ganoon at madalas ay puro maiinit na eksena ang mga iyon.

Hindi niya alam kung dala lang iyon ng pinanood nila ni Clarice noong nakaraang linggo. Kung ano-ano

ang pilit na ipinapanood nito sa kanya. May comedy, drama, suspense, at horror. At nang mainip na

ang kaibigan ay pilyang pinapanood siya ng porn sa pagkabigla niya. Natatandaan niya pa ang

paghagalpak nito ng tawa nang makita ang pagkagimbal niya sa mga napanood.

“Come on, Maggy. Bumabawi lang ako sa `yo,” nakangising sinabi ni Clarice. “Pinilit mo rin akong

manood ng ganyan noong bago ako bumalik dito sa bansa. That was a requirement as you told me

before, towards a better way to lure someone—”

Kumunot ang noo ni Maggy. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”

Naglaho ang bakas ng pagkaaliw sa mukha ni Clarice. “N-nagbibiro lang ako.” Nag-iwas ito ng mga

mata sa kanya. “Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko.”

Simula niyon ay kung ano-ano na ang mga napapanaginipan ni Maggy. Noong una ay malalabo pa ang

mga mukha sa kanyang panaginip pero pamilyar ang boses ng mga iyon sa kanya. Pero sa bawat

paggising ay nalilimutan niya na kung kaninong boses ang narinig. Ang natatandaan niya na lang ay

ang mga eksena sa kanyang panaginip.

May mga naaaninag siyang naghahalikan sa loob ng isang kotse o `di kaya ay sa veranda. And then

there were those images of two people making love in the small kitchen, in the living room and now, in

the bathroom. Pero ngayon niya lang nakita ang sarili at si Austin sa ganoong klaseng eksena sa

kanyang panaginip.

Nahihiya na rin siya sarili. Hindi niya alam kung dala lang ang mga iyon nang paglago ng nadarama

para kay Austin, nang kagustuhan niyang maramdaman uli ang mga labi nito sa kanya. Hindi niya na

maintindihan ang sarili pero ang binata ang mas hindi niya maintindihan. He would cook for her, give

her roses and stuffs and take her out to dinner. Pero wala naman itong anumang sinasabi kung para

saan ang mga iyon o sadyang lihim na umaasa lang siya na may laman ang mga ginagawang iyon ng

binata.

Every night, he would tuck her to bed. Ang binata pa nga ang unang bumubungad sa kanya sa bawat

paggising niya. Kadalasan ay nasa kama niya na ito, nakaupo at pinagmamasdan siya.

Napahugot si Maggy ng malalim na hininga at mayamaya ay niyakap ang sarili. Parang totoong-totoo

ang mga haplos, halik, at yakap na pinagsaluhan nila ni Austin sa kanyang panaginip. Noong gabi lang

na iyon nagkaroon ng mga mukha ang kanyang panaginip. She saw a different side of her in her

dream. There, she was bold and daring.

Ayon sa isa sa mga nabasa niya noong nakaraang araw, ang panaginip daw minsan ay

nagpapahiwatig ng mga bagay na sa likod na bahagi ng isip ng isang tao ay ang pinakamimithi nitong

mangyari. Napasinghap si Maggy sa naisip. Hindi yata at iyon ang gusto niyang mangyari sa kanila ng

binata kaya iyon ang napapanaginipan niya? Hindi yata at pinagnanasaan niya na ang kaibigan?

Sa naisip ay nagmamadaling hinugot niya ang robe na nakasampay sa headboard ng kanyang kama.

Isinuot niya iyon at lumabas ng kanyang kwarto. Kailangan niyang magpahangin para makatulong sa

isip niyang hindi na kanais-nais ang itinatakbo. Nagpunta si Maggy sa pool area. Naupo siya sa isa sa

mga reclining chair doon at ipinikit ang mga mata.

“Interesado ka sa buhay niya, kaagad na nagliliwanag ang mukha mo kapag napag-uusapan siya at

hinahanap-hanap mo rin siya. Hindi kaya mahal mo na siya, ineng?” sinabi ng mayordoma sa

mansiyon na si Nana Cora nang minsang magtanong si Maggy rito tungkol sa mga hilig ni Austin

habang hinihintay ang pagdating ng binata mula sa opisina nito.

“Mahal?” Kumunot ang noo ni Maggy. “Ganoon ho ba ‘yon?” Nang tumango ang matanda ay lalong

lumalim ang gatla sa kanyang noo. Hindi niya alam ang pagmamahal bukod sa bihira niya ring marinig

iyon kina Austin at Clarice. Pero alam niya na naiiba ang nararamdaman niya para kay Austin.

Sa ilang beses na paglabas nila ng binata ay nakakita na rin siya ng iba’t ibang lalaki pero wala siyang

naramdaman sa mga iyon na katulad ng naramdaman niya para kay Austin. Noong una ay

ipinagtataka iyon ni Maggy kaya hindi niya maiwasang titigan nang husto ang bawat lalaking nakikita

sa restaurant noong lumalabas sila ni Austin para malaman kung bibilis din ang tibok ng kanyang puso

sa mga iyon.

“For heaven’s sake, I’m the one you’re with, Maggy.” Naalala niya ang naniningkit na mga matang sita

na iyon sa kanya ni Austin nang iharap nito ang mukha niya rito. “Sa akin ka lang dapat tumitingin. Ano

ba’ng meron sa iba at para kang na-starstruck diyan? Be fair to me, all right?” bahagya nang humina

ang boses na sinabi nito. “Because I’m only looking at you.”

“Why?” naguguluhan nang tanong niya.

“Sa `yo na lang naman na talaga nakatuon ang mga mata ko sa unang beses pa lang nating pagkikita.

I like reading your facial expression. It’s better than reading a book.” Marahang ngumiti ang binata. “I

could look at you the rest of our lives and I wouldn’t mind.”

Ganoon si Austin sa halos dalawang buwan na paninirahan ni Maggy sa mansiyon ng pamilya nito.

Madalas na binubulabog ang puso niya sa mga sinasabi nito. And he looked at her with such

amazement and tenderness in his eyes every time. Bumuntong-hininga si Maggy sa naisip. Kung

nagkataong wala kaya siyang amnesia, paano siya magre-react sa nadarama niya?

“Napakaaga pa para mamroblema ka at bumuntong-hininga.” Agad na nagmulat si Maggy pagkarinig

sa pamilyar na baritonong boses na iyon. Napaunat din ang kanyang likod. Ni hindi niya namalayan

ang paglapit ni Austin. “What’s bothering you, sweetheart?”

Napatitig siya kay Austin na nakasuot ng ternong puting pajama at sando. Naupo ang binata sa silya

sa tabi niya. Bigla siyang nakadama ng tensiyon kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang

maalala ang naging panaginip tungkol sa kanila ng binata. Pinaypayan niya ang sarili nang

makaramdam ng kung anong alinsangan. Tumayo siya at pumuwesto sa gilid ng swimming pool na

may-kalayuan sa binata.

“Wala naman,” ani Maggy pagkaraan ng ilang sandali. “Hindi lang ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka

pa?”

“I’ve been having a hard time sleeping the very day you came here,” namamaos na sagot ng binata.

“Kanina pa ako sa veranda. Nasilip kita rito kaya bumaba na rin ako.” Para namang hindi nakaramdam

na tumayo si Austin at tumabi uli kay Maggy. “Kumusta ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?”

Natawa ito. “This is strange. Nakakasama kita pero ngayon ko lang naalalang itanong ‘yan sa `yo.”

Muling bumuntong-hininga si Maggy. “Honestly, I feel like all I do is to sit here as the whole world

passes me by. Bawat isa sa bahay na ito, may direksiyon. Bawat isa, alam ang gagawin. Samantalang

ako heto, tuliro. Naliligaw. Dapat nasa Nevada ako dahil sabi n’yo noon ay ako ang namamahala sa

YCM Hotel and Resorts. Dapat hindi ko pinapaubaya kay Clarice ang pag-monitor niyon mula rito dahil

mas gamay ko ‘yon. But that’s just not the case.” Naipilig niya ang ulo sa pagbangon ng frustration. “I

couldn’t even remember a single employee. I couldn’t remember what to do. I could learn but I am

afraid I’d just fail so many people.”

“Tatlo kayong may-ari ng YCM Hotel and Resorts, sweetheart.”

Sandaling natigilan si Maggy nang marinig uli ang endearment na iyon sa kanya ni Austin. Na-realize

niyang gusto niya ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. Nakagagaan iyon sa kanyang pakiramdam

dahil parati iyong may kalakip na pagsuyo. Masarap iyong pakinggan.

“You’ve been hands-on in handling your business for years now. Hayaan mo namang gawin ni Clarice

ang bahagi niya. Maybe this whole thing happened so you can take a rest for a while.”

“Pero paano ako?” Bumundol ang kaba sa puso ni Maggy. “Ano’ng gagawin ko?”

Nahuli niya ang magiliw na ngiti sa mga labi ni Austin nang lingunin ito. Titig na titig din ito sa kanya

nang mga sandaling iyon. “Simple lang. Just live life.”

“H-how do a person supposed to live life?” Napasinghap siya nang pumuwesto sa likuran niya ang

binata.

“Like this,” ani Austin. Mayamaya ay itinulak si Maggy sa swimming pool. Dere-deretsong bumagsak

siya sa tubig. Sumunod din ang binata at tumalon doon. Content is property © NôvelDrama.Org.

Sisinghap-singhap na iniangat ni Maggy ang ulo at nagbabaga sa galit ang mga mata na hinarap ang

binata na hindi namalayang nasa likuran niya na pala. “How dare you! Bakit mo ginawa ‘yon? What if I

didn’t know how to swim? What if—”

“Alam ko namang marunong ka. At masaya ako na isa ‘yon sa mga bagay na hindi mo nalimutan. You

instinctively know how to swim.” Puno ng pagmamalaki ang anyong ngumiti si Austin. “Come on,

sweetheart. This is life. It’s really made for surprises,” dagdag pa nito bago sinakop ang mga labi niya.

Nagulantang si Maggy. Hinapit siya ng binata sa kanyang baywang kasabay ng pagdikit ng katawan

nito sa kanya. He was kissing her as if time was his best friend, as if he had enough of it in his own

hands.

Puno ng lambing ang halik ni Austin pero damang-dama niya rin ang init sa likod niyon. Ipinikit niya ang

mga mata kasabay ng pag-akyat ng mga kamay niya sa mga balikat ng binata. And slowly, she

responded in his kisses. She had been longing to taste his lips again for weeks now. Pero mayamaya

lang ay huminto rin ang binata at bahagyang lumayo sa kanya. Nadidismayang dumilat siya.

Sumalubong sa kanya ang para bang amused na anyo nito. Pinaglalaruan lang ba siya nito?

Napu-frustrate na itinulak ni Maggy si Austin sa dibdib. “Bakit mo ba ginagawa ito? Nakakainis ka na.

Hindi kita maintindihan. Pinaglalaruan mo lang ba ako dahil sa sitwasyon ko ngayon—”

“Kahit kailan, hinding-hindi kita paglalaruan, Maggy. I was just happy that kissing was not one of the

things you’ve forgotten,” seryoso na uli ang anyo na sagot ni Austin. “Pasensiya ka na kung

naguguluhan ka sa mga pangyayari. Plano ko talagang ligawan ka. But I want to make things slow.

Para hindi ka mabigla.”

“W-what? Why?”

“I love you, sweetheart. I love you so much.” Ikinulong ni Austin ang mga pisngi ni Maggy sa mga

maiinit na palad nito. “Loving you is like throwing myself on fire. I know I’d burn. I know I’d get hurt. But

still, I let myself fall. Dahil sa kabila ng lahat, ikaw ang kaligayahan ko. You are the cure to the burn as

well. And if being with you meant burning every single day, every single moment, then so let me burn…

merrily.”

“I… I don’t really understand—”

“You don’t have to understand anything, sweetheart.” Marahang ngumiti si Austin. Nangingislap ang

mga mata nito. “Now, I urge you to follow your heart. What do you feel in this very minute?”

Sandaling nakagat ni Maggy nang mariin ang ibabang labi bago dahan-dahang gumuhit ang matamis

na ngiti sa kanyang mga labi. Bigla, pakiramdam niya ay binalot ng init at saya ang puso niya sanhi ng

mga narinig mula kay Austin. “I… I think I’ve fallen for you, too.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.