Pieces of You

Chapter 11 The Least Expected



Hindi ko na napansin kung nasaan si Abby. Umidlip lang agad ako. Wala na akong pake kung gaano ka-ingay ang mga classmates ko.

Maya-maya pa may mainit na bagay ang dumampi sa pisngi ko. Medyo maulap ang paningin ko pero tanaw ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa akin. Medyo humupa rin ang ingay mula sa mga maiingay kong classmates. Nang luminaw ang paningin ko ay mukha ni Nathan ang nasa harap ko. He was standing near me. At may hawak itong kape. Tumingin-tingin naman ako sa mga reaksyon ng mga nakakapanood sa amin. Nakakahiya. "Here. Drink this. Sinabi ko sayong matulog ka e."

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa kamay ko ang isang cup ng brewed coffee.

Ang bango ng kape. Namula naman ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. Saglit lang naman 'yung contact pero parang may kumiliti pa rin sa akin.

I felt something more than my heart beating fast. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa mga kamay namin. Namula naman ako nang hinawakan niya ang kamay ko. He slightly smiled at me at parang nawala yata agad ang antok ko. Did he just smiled at me? 'Yung puso ko.

"T-thank you." Nahihiya kong pagsalamat sa kanya. Hindi na niya ako inabala pa.

Nang tiningnan niya ang mga nakikiusyosong tao sa labas ng aming room, ay bigla agad silang nagsialisan. Tumalikod na si Nathan at bumalik sa upuan nito. He opened a book and read it.

Napadako naman ang tingin ko sa kapeng ibinigay niya sa akin. Again, there was a note that made me even blush more.

To keep you awake

Napangiti naman ako nang makita ang isang smile emoji sa hulihan ng sulat nito. I think I'm falling... again.

Nagtapos ang apat na subject namin ng pang-umaga and I didn't fall asleep while the class is going. Thanks to the coffee Nathan gave me. Plus his touch on my hand, alive na alive ako.

It's lunch time and the cafeteria are almost crowded, even though that's the case walang makakapigil sa mga estudynteng gutom na para bang sumabak sa matinding training.

The cafeteria are full of food stalls. Kumpleto sila from varied kinds of bread, sandwiches, biscuits, curls, drinks, meals, shawarma, siomai, takoyaki, pizza and desserts. Name it. Some of the students rush to buy snacks or lunch packs and then eventually leave to find a place where they are comfortable to eat.

Maraming parks and benches dito sa loob ng so they eat there with their friends. Some are in the field, eating in circles.

I and Abby made our way earlier in the cafeteria so we could find a perfect spot to sit in. We usually seat in the far corner, where we can see everyone in any view. Our tables is near the glass wall kaya tanaw namin ang field, the open stage, ang basketball court as well as our building and the college students' building.

Everyone is munching their lunch already and so are we.

"Yan lang kakainin mo? Sobrang diet ah. Mamaya maging buto't balat ka na lang. Konti na lang talaga at tatangayin ka na ng hangin."

Abby took a spoonful of her binalot. Rice with beef steak on top and a sunny side-up egg. Bumili pa ito ng isang container ng graham cake for two for her dessert at isang bote ng C2. She usually have a soda for her drink pero dahil bawal ang soda sa campus, she has no other choice but to choose between fruitdrinks, milktea, iced coffee at mineral water.

"Wala akong ganang kumain. This should do para hindi lang kumalam ang tiyan ko mamaya sa klase. Mas gusto ko pa ngang matulog kaysa kumain e."

Binalatan ko ang saging na nabili ko sa isang stall ng fruitshake dito. Kinain ko ang kalahati nito saka inilapag sa mesa ang natira sa ibabaw ng tissue. To my dismay, walang tindang yakult dito kaya bumili na lang ako ng bottled water.

"'Yun na nga e. Alam mong madugo ang laban natin mamaya tapos 'yan lang kakainin mo. Tignan natin kung di magkandabuhol-buhol 'yang mga braincells mo sa Calculus. Sinabihan naman kasi kitang matulog e. Ngayon, nagrereklamo ka. Harot pa!"

Psh. Ang ingay talaga nito kahit kailan. Nakakabingi. And the way she scolded me was quite gross. Nagsalita ba naman ng puno ang bibig pagkain, ayon tumalsik. Buti na lang at hindi ako natalsikan. Kababaeng tao. Kadiri. Hays. "Hayaan mo na, minsan lang naman ako magpuyat ng ganito e. Pasalamat ka nga at hindi mo na kailangang magpuyat katulad ko ng ganito para makausap mo crush mo, e sayo nasa bahay niyo lang e." Muntik na niya akong matamaan ng kabrutalan niya. Hahampas na naman sana niya ako sa braso. Napakabayolente talaga.

"Hindi ba totoo?"

Magrereact pa sana ito sa pahabol kong ganti sa kanya pero pinili niya na lang lantakan ang graham na hawak niya so what she did was to roll her eyes at me. Napahagikhik naman ako sa inasal ni Abby. Tinapos ko na rin ang saging at uminom ng tubig habang si Abby naman ay nangalahati naman sa pag-inom ng C2 niya.

"Samahan mo naman ako mamaya maggrocery oh."

Nagpuppy eyes naman ako dito para mapapayag siya. Though palagi naman niya akong sinasamahan, paawa lang kasi inaway ko siya kanina. Hindi niya naman ako pinansin at todo tutok sa phone niya. Sinilip niya lang ako at ngumiti saka nagpatuloy sa pagtipa ng kung ano doon sa phone niya.

Kilalang-kilala ko 'yung ganoong ngiti niya e. May binabalak na naman 'to.

"Okay!"

Masiglang sabi nito at saka ibinulsa ang phone niya. Sinuri ko naman ang galaw nito but she acted normal. Psh. Eh hindi naman siya ganyan e, abnormal yan kaya naamoy kong may ibang balak nga ito. O baka dahil lang to sa antok ko. Hays. Sumakit tuloy ulo ko kakaisip. Kung ano man 'yang balak niya, huwag niya lang talaga akong idamay dun dahil wala ako sa mood.

Maya-maya pa naisipan ko munang umidlip para naman di ako antukin sa klase mamaya. Timing na rin naman at ang ibang estudyante sa cafeteria ay nagsipag-alisan na. Hindi na masyadong maingay so I can take a nap. Pero nang ihihiga ko pa lang ang ulo ko ay binatukan agad ako ni Abby.

"Aray! Para saan naman 'yun?"

Pinanlakihan niya ako ng mata at saka may nginusuan sa bandang likod ko.

Napakabrutal talaga ng babaeng ito. Habang himas-himas ko ang ulo ko dahil sa pagkakabatok sa akin ni Abby, I turned my chair sideward only to see Nathan making his way to our table.

Sinusundan ito ng tingin ng mga tagahanga niya and most of them are girls. Humarap agad ako kay Abby. Nataranta ako at di makaisip ng tama. Geez. Feel ko para akong narecharge. Nawala nga ang antok ko pero todo naman ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Hala siya oh. Nataranta ka ghorl?"

Napatawa naman ito sa naging reaksyon ko nung nakita niyang palapit si Nathan dito. Nakuha pa talaga ako nitong pagtawanan.

"Bugbugin kita mamaya, ghorl. Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon."

Binantaan ko siya at sinamaan ng tingin pero kinindatan niya lang ako. Tumayo na ito at saka inilagay sa tray ang pinagkainan namin kanina. "Aalis ka? Abby..."

Hinawakan ko ito sa kanyang palapulsuhan at pilit na pinapaupo siya ulit. Umiling-iling ako sa kanya at nakiusap gamit ang mga mata ko. Ngumiti lang ito sa akin at saka pilit na itinanggal ang kamay kong napakahigpit ang pagkakahawak sa kanya.

"Ibabalik ko lang itong pinagkainan natin, Solennessy ha." Pinandilatan niya ako ng mata.

Traydor na babaeng ito. Humarap naman siya kay Nathan at nag-Hi. Ngumiti muna ito sa kanya bago siya naglakad paalis.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka napapikit. Inilagay ko sa harap ng mukha ko ang dalawa kong kamay so he couldn't see me red. He stood where Abby is seated a while ago.

"Can I?" Tanong nito habang itinuro ang upuang kanina'y nakaupo si Abby.

I nodded at him. Rude naman kung sabihin kong hinde.

Then I heard him pulled the chair.

"Mukhang wala ka yata sa mood makipag-usap... sa akin."

Bakit parang feel ko pinapakonsenya ako ng lalaking ito?

Hays. I don't want him to misinterpret my approach towards him kaya iniangat ko ang aking tingin sa kanya. Bungad naman sa akin ang maaliwalas niyang mukha. Nakakahiya naman sa mala-zombie kong mukha.

I saw that he's smiling directly at me. His bangs slightly covering his eyes but the radiant glow of his orbs were visible.

Di pa man natatapos ang araw ko ay binuo na niya ito para sa akin.

"Akala ko hindi mo na ako papansinin e."

Pwede ba naman 'yon? Syempre kahit kinakain ako ng kaba ngayon ay dapat ko pa ring masilayan 'yung mukha niya.

Natatameme tuloy ako at di mawari kung ano 'yung sasabihin ko.

Hindi naman siya oral recitation pero bakit nabablangko ang utak ko? Kainis.

"Ah hinde. Inaantok lang ako."

I acted yawning in front of him para mas mukhang kapani-paniwala. Great, Hennessy. Sarap mong hampasin ng FAMAS Awards trophy sa ulo. Para kang tanga.Owned by NôvelDrama.Org.

I heard Nathan let out a soft giggle. Hinde ba 'to nakokonsensya sa puso ko? Parang gusto ko tuloy todasin ng pagmamahal itong lalaking ito.

I turned around to see girls fantasizing him.

No wonder. Siya kasi 'yung tipong hindi masyadong showy pero kapag nakasama mo masyadong thoughtful at sweet.

"I see. You should've slept this morning. Anyway, eat this. I heard you didn't eat enough. Kailangan mo 'yan para may energy ka mamaya."

Otomatiko kong hinanap sa paligid ng caeteria si Abby and I saw her na nagta-thumbs up.

Pakana niya talaga ito e. Pero nakabenefit naman ako sa balak nito kaya may pa-buko pie ka sa akin mamaya ghorl.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Inilapag ni Nathan ang isang box and when I took a peek of it, parang nagform ng heartshape ang mga mata ko. Isang box ng buko pie! This made me salivate. Nakakatakam!

"Binili mo talaga ito para sa akin? Ang laki naman. Hindi ko ito mauubos."

I was not facing him when I said that. Amoy na amoy ko ang bango ng buko pie. Mainit pa. He surely have gone somewhere just to buy this. So he had my heart filled with joy. Kinikilig ako at the same time, nagugutom na din. Hindi ko alam kung epekto ito ng walang kain at tulog pero parang nasobrahan yata ako sa energy ngayon e. Minsan iniisip ko kung Milo ba itong si Nathan.

Because he beats my energy gap.

Napatawa naman ako sa sariling banat ko. Nagiging corny na ako ah.

"Yes, I bought it for you. Kumain ka na. You seem so enthusiastically ready to eat."

Ganoon na ba talaga ako kahalata? Nahiya tuloy ako.

"Hindi naman ako gutom e." Liar. Ang sarap kaya ng buko pie. Nakakalaway.

"I know you are."

I told you I am bad at lying. Lalo na kapag paborito kong pagkain ang pinag-uusapan. I just definitely couldn't lie.

He stood up kaya sinundan ko siya ng tingin at napatayo na rin.

"Sinadya talaga kitang puntahan so I asked your friend where you are." Uminit naman ang pisngi ko nang marinig mula sa kanya ang mga katagang iyon.

Napakurap-kurap naman ako at hindi maitago ang pamumula ng pisngi ko.

"I just wanted to know and see how you are doing."

Napakastraightforward naman ng lalaking ito. Napatungo na lang ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Ah, here he is."

Nang sambitin niya iyon ay napatitig ako sa kanya but he's not looking at me. He's looking at someone entering the vicinity of the cafeteria. Sino naman kaya ang tinititigan niya?

I was curious then kaya sinundan ko ang tingin nito.

If I'm not mistaken, the one he's referring to was one of his close friends. Bakas ang pawis sa noo nito and he's carrying something heavy.

Nung palapit na ito sa amin ay natanaw ko ang pamilyar na logo ng isang inumin. Yakult! No way...

"Gosh. You could've just let the delivery man carry this for you. Bakit ako pa inutusan mo? Damn, I'm soaking wet."

Habol-hininga ang ginawa nito nang nailapag na niya ang karga-karga niya kanina.

Naawa tuloy ako kaya hinanap ko ang tissue sa bag ko.

I took some of it and gave it to Nathan's friend pero agad itong inagaw sa akin ni Nathan bago pa man makuha ng kaibigan nito. He hardly pressed the tissue on his friends' temple kaya napasimangot naman ito sa ginawa ng kaibigan. They're cute. "Ayaw mo 'yon? Paborito kitang utusan."

Kinuha nito ang tissue sa kamay ni Nathan at siya na ang nagpatuloy na ang pawis niya sa mukha.

"Tsk. Why don't you-" Napatigil ito nang napansin niyang nakatitig ako sa kanilang dalawa.

He faced me and the smiled at me awkardly habang kinakamot ang ulo.

"H-Hi. I'm Sanmil. Nate's bestfriend." He reached out his hand so he could make a handshake with me.

Nang abutin ko na sana ang kamay ni Sanmil ay bigla naman itong tinabig ni Nathan papalayo ang kamay ng kaibigan.

"We've got to go. Be sure to eat your food. You've only got more than 20 minutes so take that as a chance to munch your food well. See you!"

Magsasalita pa sana ako pero inilagay niya lang ang kamay niya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko like what he did last night kaya hindi na ako nakareact pa. Tumalikod na sila at naglakad paalis habang hawak-hawak ni Nathan ang collar ng uniform ni Sanmil habang pilit itong kumakaway sa akin.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! Nag-aalangan naman akong kumaway pabalik dito kaya hindi ko na lang masyadong itinaas ang kamay ko. I did wave back at them pero sandali lang. Enough not to get so many eyes at me.

Bumalik na ako sa pagkakaupo at saka tinitigan ang mga biniling pagkain at inumin sa akin ni Nathan. I felt so special when he did this.

Ipinatong ko ang braso ko sa mesa habang titg na titig sa buko pie. At saka ibinaling ang tingin ko sa yakult na nakaselyo pa. Siguro nasa 100 pieces din ito. He really bought this because he knew this was my favorite. Sobra-sobra pa ang ibinigay niya. Bibigay na talaga ako e. Pero ayaw kong umasa. So kung ano man ito, kahit na gustong-gusto kong isipin na may gusto ito sa akin ay pilit kong pinipigilan.

"Waaaaaaaah. Spotlight na spotlight ka, friend! Nakakakilig talaga kayong tignan. At saka tignan mo naman oh, nag-effort pa si Nathan."

Bigla-bigla na lang sumusulpot itong kaibigan ko e. Sinimangutan ko siya dahil sa ginawa niya so she raised her hands up, like a surrender. But later on, I smiled at her kaya napatawa na lang kame pareho. Mga baliw. "Alam kong pakana mo talaga ito e."

Kumuha siya ng isang piraso ng buko pie mula sa box nito at sumubo. Kumuha na rin ako dahil kanina ko pa talaga pinipigilang kainin ito. Feel na feel nito ang buko pie. She nodded while munching the food.

"Well, partly. Pero si Nathan talaga ang nagtrabaho nito. I just answered what he's asking me. Starting from the coffee to this. He even drove the way to your favorite bakeshop na pinagbebentahan ng paboritong mong buko pie e. You know, he's very concerned with you. The way he stares at you, the way he cares for you. The way he exerts an effort to comfort you, naaaay! Nakakainggit ka friend! Huwag mo ng pakawalan 'yan sinasabi ko sayo." Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa mga sinabi ni Abby.

It's true Nathan had been doing his best to comfort me. Pero ayoko lang na sa pagdating sa oras ay ako ang madehado at masaktan. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko e. Nandito na nga 'yung lalaking inaasam-asam kong makasama pero nagyon naman ako naguguluhan.

"I know. Pero hindi ba at sobrang aga pa para mag-assume tayo, Abby? Hindi ba parang hindi naman maganda na mag-assume?" Nangunot naman ang noo nito sa sinabi ko. Inilapag nito ang nangalahati niya ng kinakaing buko pie pabalik sa box nito at saka pinagpag ang kamay nito. She leaned her face a little closer.

"Ano ba ang bumabagabag sayo ha, friend? Hindi ba matagal mo na rin namang gustong magkalapit kayo ni Nathan? Ano 'yung problema?"

'Yun na nga e. Matagal ko na rin namang pinapangarap na mapansin ako ni Nathan. Pero bakit parang may hindi tama? "Hindi ko alam, Abby." Napabuntong-hininga na lang ako at saka ibinaling ang atensyon sa mga taong naglalaro sa field.

"Masyado mo lang sigurong iniisip 'yun, friend. Kulang ka lang ng tulog." Sana nga tulog lang ang katapat nito.

Later that day, we went to attend our classes. Pagkatapos ng apat na subject ay uwian na rin. Kinuha namin ang yakult sa canteen sa may ale na kakilala ni Abby.

We were on our way to the parking lot dahil doon namin hihintayin si Leo. Masyadong mabigat 'yung dala namin kaya tumigil muna kami sa isang bench malapit sa field. Hinihingal naman itong si Abby.

"Aish! Bakit kasi hindi niya na lang ipinadala ito sa bahay niyo. Ang bigat-bigat pa namang buhatin nito." Reklamo ni Abby habang hawak-hawak nakapameywang.

"Sorry na." Sumimangot lang ito sakin. Naupo muna ako habang nagpapahinga si Abby, Malaki ang campus kaya mahaba-habang lakarin rin ang gagawin namin.

Narinig kong may tumunog na phone at chineck ko kung saan ba galing iyon. Hindi naman pala sa akin kung hindi kay Abby. Sinaogot niya ito at sinenyasan niya akog hintayin siya. Tumango lang ako bilang sagot. "Hello, Mom?"

Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid. Papalubog na rin ang araw at dumidilim na. Yumayakap na naman ang malamig na hangin sa katawan ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay hinarap niya ako. She slipped her phone in her pocket.

"Naku, Sol. Hindi kita masasamahan sa paggrocery mo ngayon. Tumawag si Mama at pinapauwi na ako agad."

Hindi ko na siya tinanong kung bakit dahil mukhang urgent kaya sinabi ko sa kanyang okay lang at kaya ko naman mag-isa.

"Sure ka?" Tumango ako sa kanya at ngumiti to assure her.

"I'll be fine."

"Pasensya na talaga ha? Hindi naman sinabi sa akin ni Mama kung ano 'yung reason, pinapauwi niya lang ako agad. Gusto mo ihatid na lang kita muna? Maiintindihan naman ni mama 'yun e." Bakas naman sa mukha nito ang pag-aalala. "Hinde. Okay lang. Baka importante talaga 'yun. Naiintindihan naman kita e. Okay lang talaga. Promise." Itinaas ko ang kamay ko at saka kinindatan ko siya.

"Sabi mo ha?"

Ilang beses pa akong tumango-tango sa kanya para makumbinsi lang ito. Nang makuntento na ito sa sagot ko ay umalis na ito. Kumaway ito sa akin kaya ganon rin ang ginawa ko. Inilabi pa nito ang mga salitang "Call me". Which she always does kapag hindi kami nagkasaby na uuwi.

She said na kapag hindi ako nagtext o tumawag man lang sa kanya ng may higit sa isang oras ay tatawag raw siya agad sa Police Station at ireregister ang pangalan ko sa mga taong MIA. Napailing-iling na lang ako sa plano nito. Baliw talaga. Napagawi naman ang tingin ko sa 2 stack ng yakult sa tabi ko. Paano na 'to. Ang bigat nito kung bubuhatin ko e. Ano lang naman ang laban ko sa dami ng yakult na ito at sa malabarbecue stick kong braso?

Nasagi naman sa isip ko 'yung note na inilagay ni Nathan sa phone ko.

Tatawagan ko na ba siya? Nagdadalawang-isip pa ako dahil baka isipin pa akong feeling close ni Nathan.

Hays.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.