Kabanata 20
Kabanata 20
Kabanata 20 Naramdaman ni Avery na tila ba may sumakal sa kanya.
Nakaramdam siya ng hirap sa paghinga na para bang umiikot ang mundo sa kanya.
Paano naging si Elliot si Mr. Z?!
Binigyan siya ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares at gusto niyang mamuhunan sa Tate Industries. Paano ito nagagawa ni Elliot?
Ngunit, kung hindi siya si Mr. Z, anong ginagawa niya doon?
Nalilito ang kanyang isipan habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Ang kanyang wheelchair, itim na damit at ang maputla niyang balat ay nagsasabi na ang lalaki sa kanyang harapan ay si Elliot Foster.
Naglabas ng malamig na hininga si Avery at walang-malay na umatras ng kaunti, ngunit ang pinto ng pribadong silid ay nakasara.
“Aalis ka bago pa man din mangamusta?”
Nang makita ni Elliot na kinabahan si Avery, tinikom niya ang kanyang bibig.
“Anong ginagawa mo sa ganitong lugar?”
Itinaas ni Avery ang kanyang kamay at hinawi ang kanyang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga. Pinilit niyang maging kalmado at sinabing, “Nan… Nandito ako para kumain ng hapunan kasama ang ilan sa aking mga kaibigan.”
“Bar ito.”
“Oh…”
Tumingin si Avery sa paligid. Ito ay malaking silid na may magarbong dekorasyon, ngunit ramdam niya na siya ay nasa impyerno at hindi mapakali.
“Ti… tingin ko ay nasa mali akong lugar. Hahanapin ko na sila ngayon.”
“Avery Tate,” sambit ni Elliot. Ang kanyang boses at singlamig ng yelo. “Hindi mo ba sineryoso ang aking sinabi kaninang umaga?”
“Narinig kita,” sabi ni Avery, “Ngunit wala akong rason upang mamuhay base sa sabi mo lang.”
Naalala niya ang nangyari noong nakaraan na parang kahapon lamang.
Hindi siya nakainom noong gabing iyon, ngunit pinilit siya ni Elliot na magdamit na parang pokpok para uminom kasama ang ibang lalaki.
Ang sagot ni Avery ay nakapagtaas ng makapal na kilay ni Elliot.
Alam niyang iba ang si Avery sa ibang babae. Mayroon siyang sariling opinyon, at hindi siya umaatras sa makapangyarihan. Mas importante pa doon, kahit gaano niya balaan ito, hindi sineseryoso ni Avery ang mga sinasabi niya.
Ibig sabihin ay hindi siya sineseryoso ni Elliot kahit kailan.
Kinuha ni Elliot ang baso ng wine at humigop rito.
Humingang malalim si Avery at nagtanong, “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi mo na pupunta ka sa lumang mansyon para kumain ng hapunan?”
Gustong tanungin ni Avery kung anong ginagawa niya sa silid na nireserba ni Mr. Z.
Gusto niyang tanungin kung siya ba si Mr. Z, ngunit hindi niya kayang diretsahang tanungin ito.
Ito ay dahil hindi niya alam ang isasagot nito.
Kung siya si Mr. Z, paano sila tutuloy sa pag-uusap tungkol sa negosyo?
At kung hindi, paano siya makakapagusap tungkol sa kasinungalingan na sinabi niya kaninang umaga.
“Tara at uminom ka kasama ako,” utos ni Elliot habang tinititigan si Avery.
Tinaas ni Avery ang kanyang kilay.
Anong sinusubukan nitong gawin?
“Sinabi ko sa’yo na hindi ako umiinom,” sagot niya. Hindi niya mabasa ang mga mata ni Elliot, kahit ang kanyang puso. Ang gusto niya lang gawin ay umalis sa lugar na iyon. “Magsaya ka. Aalis na ako!”
Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit ito ay nakakandado sa labas.
Walang paraan upang mabuksan ang pinto kahit gaano man ang lakas na ilagay niya rito.
“Anong nangyayari, Elliot? Palabasin mo ako!” bigkas niya labas namumula ang kanyang pisngi sa galit.
“Ang sabi ko sa’yo ay uminom ka kasama ako,” panakot na sabi ni Elloit. “Hindi mo ba ako narinig, o ignorante ka?”
May malamig na pawis na tumulo sa likod ni Avery, at ang kanyang bukong-bukong ay nanginig.
Kung siya ay iinom, iinom siya kasama si Elliot hanggang sa makuntento ang puso nito.
Ngunit, hindi siya makakainom ngayon!
Hindi siya makakainom kahit pa sakalin siya nito.
Ang pintuan ay nakakandado, kung kaya walang paraan upang makalabas.
Lumapit siya papunta kay Elliot at gumawa ng rason.
“Nagsinungaling ako sa’yo kaninang umaga,” sabi ni Avery habang nakatayo at ibinaba ang kanyang tingin. “ May gagawin ako ngayong araw, ngunit hindi ito sa campus. Makikipagkita ako ngayong gabi. Pumayag siyang mamuhunan sa kumpanya ng aking tatay.”
“Sino siya?” tanong ni Elliot habang tinaas ang kanyang tingin at tinitigan ang namumulang pisngi ni Avery.
“Hindi ko alam ang pangalan niya.”
“Ni hindi mo alam ang pangalan niya, pero pumunta ka para makipagkita sa kanya?”
“Kasama ko si Shaun.”
“Nasaan siya?”
“Natrapik.”
Huminga ng malalim si Avery, tiningnan ng diretso si Elliot at namumugto ang kanyang mga mata, at sinabi,” Hindi ako bata. Kahit na ako ang iyong asawa, mayroon akong sariling espasyo at pamumuhay. Wala kang karapatang makisawsaw sa mga ginagawa ko.”
Habang nagsasalit si Avery, kinuha muli ni Elliot ang baso at uminom.
Hindi niya mapigilang maabala ng senswal na galaw ng lalamunan ni Elliot.
Malalasing ba siya, kung iinom siya ng ganito?
Paano siya uuwi kung lasing na siya?
Habang wala sa ulirat si Avery, hinawakan ni Elliot gamit ang kanyang malaking kamay ang braso ni Avery. Content is property of NôvelDrama.Org.
At nang maramdaman niya ang sakit ay nalaglag na siya sa sopa.
Malambot ang sopa, ngunit masama pa rin ang loob ni Avery.
Ano ang tingin niya kay Avery?
Laruan na pwedeng ibato kung kailan niya gusto?!
Hindi ba siya pwedeng magkaroon ng sariling saloobin at opinyon?
Gigil na pinagdikit ni Avery ang kanyang ngipin at tumayo mula sa sopa.
Dahil hindi pumapayag si Elloit sa kanyang rason, wala nang punto kung pipigilan niya ito!
Habang patayo na si Avery, nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang isang matangkad na hugis na humarang sa ilaw sa harapan niya.
Patayo na si Elliot!
Tumayo siya mula sa wheelchair!
Tinitigan niya ito habang naging blangko ang kanyang isipan.
Nakalimutan niya ang kanyang galit. Nakalimutan niyang tumayo. Nakalimutan niya ang lahat nang kanyang gusto sabihin o gawin.
Ang kanyang mga labi ay gumalaw na para bang gusto niyang magsalita ngunit wala siyang masabi.
Nang sumunod na pangyayari, itinapon ni Elliot ang kanyang sarili kay Avery at idinikit siya sa sopa.
“Dinadala ng lalaki ang mga babae dito upang uminom. Kung hindi ka nandito para uminom, bakit ka nandito?!”
Inabot niya ang kanyang mahahabang payat na daliri at hinawakan ang baba ni Avery.
Naghiwalay ang mga labi ni Avery sa higpit ng hawak ni Elliot.
Gamit ang kanyang kabilang kamay, kinuha ni Elliot ang baso ng wine sa mesa. Gumalaw ng bahagya ang wine sa loob ng baso.
Natakot si Avery.
Naluha si Avery. Sinubukan niyang umalis, ngunit nakapwersa si Elliot sa kanya at hindi siya makagalaw.
“pumunta ka dito nang inimbitahan ka ng taong hindi mo kilala… kailangan mong matuto ng maayos,” malamig na sabi ni Elliot habang nilalagyan ng wine ang bibig ni Avery.
Hinawakan ni Avery ang braso ni Elliot at sinubukang itulak siya, ngunit hindi umalis si Elliot kahit anong gawin niya.
Kakagaling lamang ni Elliot sa sakit ngunit napakalakas niya.
Naalala niya ang pagtayo ni Elliot mula sa wheelchair.
Mas matangkad at mas nakakatakot ito kaysa sa inakala niya.
Ang pulang likido ay pumasok sa kanyang bibig. Hindi niya nilunok ito, ngunit ang mapait na lasa ng alkohol ay nakakasamid kung kaya naubo siya ng sobra.
Para bang nalulunod siya.
Sa oras ng desperasyon, ang katawan ng isang tao ay kusang kikilos upang iligtas ang sarili nito.
Hinablot ni Avery ang kwelyo ng damit ni Elliot at hinila ito ng sobra hanggang sa masira ang butones nito.
Gumulong ang butones sa lapag, at nakaramdam si Elliot ng malamig na hangin sa kanyang dibdib.
Tumingin si Elliot sa mukha ng babaeng nasa harapan niya. Nagsisisi siya. Sumikip ang kanyang dibdib at ang kanyang puso ay lumambot.
Tinanggal niya ang kanyang kamay sa baba ni Avery,
Agarang iniwas ni Avery ang kanyang ulo at idinura ang wine mula sa kanyang bibig.
“Ikinasusuklam kita, Elliot Foster!” umiiyak na sabi ni Avery habang nakasara ang kanyang mga palad.
“Isang inumin lang naman. Mahirap ba iyon?”
“Ang awa sa kanyang mga mata ay nawala. ang kanyang payat na mga daliri ay dumikit sa kwelyo ng damit ni Avery at binuksan ang kanyang butones, kung saan nakita ang collar bone ni Avery.
“Kung wala ako rito, ibang lalaki ang gumagawa sa’yo nito! Ito ang kinahinatnan ng iyong pagsisinungaling!”