Kabanata 10
Kabanata 10
Kabanata 10 Ngayon, hindi bababa sa 90 decibel ang tunog ng kalabog ng pinto ni Avery, kaya bakit hindi siya nabalisa?
Higit sa lahat, ang bote ng alak na nabasag ni Avery ay mahigit tatlumpung libong dolyares. Ni hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong inumin ito.
Nabasag niya ito nang hindi man lang natitikman.
“Naku, nabalitaan ko na pumanaw ang tatay ni Miss Tate ilang araw na ang nakakaraan. Nang makita siyang naka-itim na itim, kagagaling lang niya sa libing!”
May nag lakas ng loob para basagin ang katahimikan.
Ang babaeng nakaputing damit ay isang senior manager sa Sterling Group’s PR department, Chelsea Tierney.
Kaarawan niya noon, kaya inimbitahan niya ang ilan sa mga kaibigan ni Elliot sa bahay nito para ipagdiwang din ang kasabay ang kayang paggaling.
batidi niya na ang unang pagtatalo nila Avery ay may malaking epekto sa pinakita nito.
Napansin ni Chelsea ang hindi nababagabag na ekspresyon ni Elliot, ngunit kilala niya ito na maaari itong magalit anumang oras.
Bumalik siya sa tabi nito at maingat na humingi ng tawad, “Oyyy sorry, Elliot. Hindi ko alam na namatay na ang kanyang ama.
Napahigop sa kanyagn sigarilyo si Elliot. Marahan niyang dinampot ang kanyang baso ng alak gamit ang kanyang mahaba at payat na mga daliri, umisang lagok siya at binaba ang baso.
Ibinalik niya sa mesa ang walang laman na baso, pagkatapos ay sinabi sa mahina at sensual na boses, “Happy birthday.”
Namula ang tenga ni Chelsea habang tumugon, “Salamat.”
“At saka, si Avery Tate ay hindi mo mahawakan,” sabi ni Elliot habang inaayos ang kwelyo ng suot niyang sando. May bahid ng babala ang boses niya. “Kahit na isa lang siyang alagang hayop sa Foster household, ako lang ang makakapagtulak sa kanya.”
Nagpanic si Chelsea.
“Pero hihiwalayan mo na siya, kaya mas mababa pa sa isang alagang hayop kapag nagkataon!”
Agad na lumamig ang tingin ni Elliot.
“Kahit na ito ay isang bagay na hindi ko na gusto, hindi ko kayang panoorin na ibnababa siya ng ibang tao.”
Sa sandaling iyon, pumasok si Mrs. Cooper upang linisin ang basag na bote ng alak at alisin ang maruming karpet.
May nagpuno ng wine glass ni Elliot.
“Wag ka na magalit, Elliot. Hindi naman ginusto ni Chelsea yun. Hindi niya naman talga sasaktan si Miss Tate,” sabi ng lalaking nakaupo sa kabilang side ni Elliot habang sinusubukang pagaanin ang sitwasyon.
“Tama na yan! Dahil diyan, tatlong shot para sayo Chelsea as punishment! Ikaw nga ang birthday girl, pero medyo sumobra ka din!”
Kinuha ni Chelsea ang kanyang baso at naghanda para kumuha ng tatlong shot.
Napatingin sa gilid si Elliot sa kanyang bodyguard na agad namang lumapit at tinulungan siyang makatayo.
“Mauna na kayo!” Sabi ni Elliot bago siya bumalik sa kanyang kwarto.
Pinagmamasdan ni Chelsea ang likod ni Elliot habang papalabas ng kwarto na nanginginig ang mga mata. Nakalagok siya ng tatlong shot ng alak. Naglakad siya palayo sa kanyang kinalalagyan.
“Naku! Parehong umalis ang mga star of the night. Tuloy-tuloy pa ba natin tong inuman?”
“Oo naman! Buti na lang sumuko na rin si Chelsea. Kung hindi, iisipin niyang magiging Mrs. Foster siya balang araw!”
“Duda ako na susuko nalang siya ng ganun lang. Lalo pa, may balak di si Elliot na hiwalayan si Miss Tate.”
“Speaking of Avery Tate, medyo maganda siya, pero ang sama ng ugali. Paanong natitiis ni Elliot?”
…
Sa guest room, nakayakap ang braso sa tuhod ni Avery habang ang mga unti unting pumapatak ang luha sa kanyang mukha.
Ang harang na pumipigil sa kanyang mga luha sa nakalipas na tatlong araw ay ganap na nawasak.
Ang huling paghingi ng tawad ng kanyang ama bago ang kamatayan nito ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan.
Ang lahat ng galit na naramdaman niya para sa kanya ay nawala nang walang bakas.
Umiiyak lang siya hanggang sa makatulog siya.
Nang magising siya kinaumagahan, namamaga at masakit ang kanyang mga mata.
Nagpalit ng malinis na pantulog si Avery at lumabas ng kwarto.
Hindi siya nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw, at gutom na gutom siya kaya sumakit ang tiyan niya.
Pagdating niya sa entrance ng dining room, nakita niya ang likod ni Elliot at napahinto siya.
Nakita siya ni Mrs Cooper at agad siyang binati, “Breakfast is ready, Madam! Halika at kumain!”
Noong nakaraan, iniiwasan ni Avery si Elliot tulad ng salot. Natatakot siyang masaktan siya at maranasan ang mga kahihinatnan.
Ngayon, ang pag-iisip na ipagpaliban niya ang diborsiyo ay nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.
Hinilaya niya ang upuan sa pinakamalayoat umupo. Inilapag ni Mrs. Cooper ang kanyang almusal sa kanyang harapan, at kakain na sana siya nang magsalita si Elliot. © 2024 Nôv/el/Dram/a.Org.
“Alam mo ba ang bote ng alak na binasag mo kagabi ay nagkakahalaga ng tatlumpung libong dolyar.”
Malamig na sinabi ni Elliot.
Humigpit ang pagkakahawak ni Avery sa tinidor niya habang nablangko ang isip nito.
Tatlumpung libong dolyar para sa isang bote ng alak?
Anong klaseng alak yun? ang mahal?
Inaasahan ba niyang babayaran ko yun?
Akala ba niya mukhang kayang-kaya ko bayaran yun?
Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang tiyan. Ang kanyang likod ay basang-basa sa malamig na pawis, at siya ay nawalan ng gana kumain.
Sinulyapan ni Elliot ang pagod at maputlang mukha ni Avery at sinabing, “Ito ay isang babala. Kung muli kang masira ang isang bagay sa aking bahay, babayaran mo ito sa per sentimos!”
Huminto ang pananakit ng tiyan ni Avery nang marinig ito, at bumalik ang kanyang gana sa pagkain.
Maraming mga kababaihan ang dumaranas ng mga side effect sa mga unang yugto ng pagbubuntis, mula sa pagsusuka hanggang sa pagkahiga.
Bukod sa paminsan-minsang pagduduwal, hindi pa nasusuka si Avery.
Gayunpaman, nang makita niya ang mga piraso ng karne sa kanyang plato, bigla siyang nalungkot at kinain pa din ito.
“Hindi ba sarap, Madam?” Nag-aalalang sabi ni Mrs Cooper nang makita ang gawi ni Avery.
Umiling si Avery at sinabing, “Tingin ko parang gusto ko mag gulay muna.”
“Sige, tatandaan ko yan,” mabilis na tugon ni Mrs. Cooper.
Pagkatapos ng almusal, bumalik si Avery sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit.
Ang abogado ni Jack *tatay ni Avery* ay gumawa ng appointment upang makita sa kanya ngayon. Hindi niya sinabi kung tungkol saan iyon, ngunit mayroon siyang ideya.
Nang makapagpalit na siya, kinuha niya ang kanyang pitaka at lumabas ng kwarto.
Nagkataon na lalabas din si Elliot.
May bodyguard siyang i-escort at isang driver na maghahatid sa kanya.
Napatingin si Avery sa oras na iyon. Pumayag siyang makipagkita sa abogado sa alas-diyes ng umaga, at magaalanuwebe na, isang oras bago ang nasabing usapan.
Malakinghakbang at dahandahan siya sa paglabas. Mga sampung minutong lakad mula sa mansyon hanggang sa kung saan siya makakapagpara ng taksi.
Ang ulan noong nakaraang araw ay nagdulot ng pagbaba ng temperatura.
Marahil ito ay ang malamig na hangin, ngunit si Avery ay nakaramdam ng pagkahilo pagkatapos maglakad ng ilang sandali.
Isang silver luxury sedan ang nagmaneho palabas ng estate at bibilis na sana nang mapansin ng driver si Avery.
“Mukhang si Madam Avery,” sabi ng driver habang binabagalan ang takbo ng sasakyan.
Nakita ng driver na lumabas ng bahay si Avery kaya naalala niya ang suot nito.
Napapikit si Elliot ngunit bigla itong napadilat nang marinig ang sinabi ng driver.
“Mukhang nagsusuka si Madam, Mr. Foster,” sabi ng driver na mas nakatanaw sa driver’s seat.
Tahimik na nilihim ni Avery ang kanyang magaan na sintomas ng pagbubuntis habang nag-aalmusal, ngunit ngayon ay hindi na niya mapigilan ang pagduduwal.
Nakahawak siya sa basurahan at nagplanong umuwi para maghugas kapag tapos na siyang sumuka.
At biglang pagkaharap niya bumugad ang sasakyan ni Elliot nang lumingon siya.
Ang marangyang sedan ay kumikinang sa ilalim ng maliwanag na araw.
Inihinto ng driver ang kotse sa tabi niya at ibinaba ang bintana sa back seat.
Nakita ni Avery ang malalim at malamig na mga mata ni Elliot na nakatitig sa kanya.
Ang kanyang mga pisngi ay namumula ng pulang-pula.
May hinala kaya siya?
Sumimangot siya, pagkatapos ay pumunta sa bintana sa backseat at sinabing, “Naparami ata yung kain ko ng almusal.”