Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 95



Kabanata 95

Habang nahihirapang humakbang, tumalikod siya para umalis at bigla niyang narinig ang boses ni

Jeremy mula sa likod.

"Isang babae ang nagbigay ng dugo sa anak ko? Sino?"

"Huh? Oh, ayun oh."

Nang marinig ang tugon ng nars, nagtago si Madeline sa emergency exit.

Natatakot siya na baka mandiri si Jeremy kapag nalaman niya na dugo niya iyon, pero dapat mauna

ang kaligtasan no Jackson.

Nagtago sa sulok si Madeline, habang nakatikom ang panga at nakayuko nang makita niyang dumaan

ang anino ni Jeremy sa harapan niya.

Sumakit ang buong katawan niya at nilamig siya dahil sa pagsasalin niya ng dugo. Pagbaluktot niya sa

sulok, pinanood niyang umalis at maglaho ang anino ni Jeremy sa kanyang paningin, nang mawawala

na ang malay ni Madeline. Kinabukasan na nang siya ay magising. Namumulikat ang kanyang binti

dahil sa kanyang posisyon nang tumayo siya habang nakakapit sa pader.

Nandoon pa rin ang sakit ng kanyang katawan at humapdi ang sugat sa kanyang noo.

Habang nakakapit siya sa pader bilang suports, nakita niya si Meredith na tumatawag, palapit sa

emergency staircase, kung kailan magtatanong na siya tungkol sa kalagayan ni Jackson.

Kaagad na umatras si Madeline, nagtago sa likod ng pinto.

Narinig ang naiinis na tono ni Meredith. "Hmph. May napadaan palang babae at nagbigay ng dugo

para dun. Di ko alam kung saan siya nanggaling pero naiinis ako. Dapat hinayaan na niya lang yun

mamatay, edi di na maaawa si Jeremy kay Madeline!"

"Sakit sa mata ng batang yun. Dapat namatay na siya noong nakaraang dalawang taon pa! Kaya lang

siya buhay kasi nagagamit ko siya."

Nabigla si Madeline sa mga salitang lumabas sa bibig ni Meredith.

Mga salita ba yun ng isang ina?

Anak pa rin niya at ni Jeremy si Jackson. Paano niya nagagawang gamitin ang buhay ng sarili niyang

anak para lang kamuhian ni Jeremy si Madeline?

Hindi iyon makatao!

Hindi na mapigilan ang apoy ng kanyang galit, lumabas ng pinto si Madeline.

Nang makarinig ng kilos, lumingon si Meredith at nakita si Madeline at kaagad na nagbago ang

kanyang ekspresyon. "Bakit ka nandito, Madeline, p*ta ka!"

"Hindi ka makatao Meredith!" This belongs to NôvelDrama.Org - ©.

Sa galit, iniangat ni Madeline ang kanyang kamay at sinampal sa pisngi si Meredith.

"Meredith Crawford! Maging ang mga tigre ay di sasaktan ang kanilang mga anak! Pero ikaw? Di mo

lamang hiniwa ang pisngi ng anak mo, hiniling mo pa na mamatay siya? Paanong nabubuhay sa

mundo ang isang babaeng kasinsama mo?"

Isang madilim at ubod ng sama na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Meredith. "P*ta ka! Bakit mo

ako sinaktan!"

Pag-angat niya ng kamay niya para sunggaban si Madeline, biglang napatigil si Meredith sa biglang

notification sa kanyang cellphone. Pagkabasa niya sa display, malagim at nakakatakot na ngumiti si

Meredith.

"Pagbabayarin kita sa pagsampal mo sa akin, Madeline. Gagawin kong impyerno ang buhay mo!"

Nakaramdam si Madeline na may binabalak na naman si Meredith at tama siya. Pinanood niyang

guluhin ni Meredith ang kanyang itsura, pagkatapos ay bumagsak sa pasilyo sa labas.

"Tulong Jeremy! Iligtas mo ako!"

Bigla siyang humiyaw, nahihiyang maglakad palayo.

Nagsimulang magtipon ang mga tao, ngunit higit sa lahat, sakto din ang dating ni Jeremy.

Nang makitang nasa sahig si Meredith, magulo ang kanyang damit na parang isang takot na usa,

kaagad na sumugod si Jeremy para buhatin siya sa kanyang mga kamay.

"Wala na akong iba pang gusto Jeremy. Gusto ko lang na maging maayos ang anak natin,"

Humagulgol siya, tumulo ang luha at sipon nang tumingin siya kay Madeline sa takot. "Pakiusap,

Madeline. Nagmamakaawa ako. Tantanan mo na ako!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.